Oil price rollback, inaasahan sa susunod na linggo

Sa ikalawang sunod na linggo ay matatapyasan na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang inaasahang rollback ay batay sa resulta ng unang dalawang araw ng trading sa world market.

Nasa P1.55 na ang natapyas sa kada litro ng imported na gasolina; P.75 naman sa kada litro ng diesel habang P0.91 sa kada litro ng gaas.

Posibleng magbago pa ang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa magiging resulta ng trading sa araw na ito.

Read more...