Kitcharao, Agusan Del Norte niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Kitcharao sa Agusan Del Norte.

Naitala ang lindol sa 18 kilometers South West ng Kitcharao, alas 5:48 ng umaga ng Biyernes, Oct. 19.

May lalim lang na 4 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

Read more...