35 katao dinakip sa Maynila dahil sa pagkakalat ng basura

Pinagdadampot ng mga pulis ang nasa 35 katao sa Sta. Cruz, Maynila dahil sa pagtatapon ng basura.

Ayon kay Chief Insp. Richard Villanueva ng Manila Police District Station 3, naaktuhan nilang nagkakalat ang 35 katao habang sila ay nagsasagawa ng anti-criminality campaign sa magdamag.

Lumabag aniya sa ordinasa ang mga ito dahil sa pagkakalat at may karampatang multa na P200.

Depensa naman ng ilan sa mga nahuli, hindi nila alam na bawal magtapon ng basura.

Ang iba naman, sinabing mabagal ang paghakot ng basura sa lugar kaya nilalagay nila sa kalsada ang kanilang basura.

Read more...