ITCZ, nakakaapekto pa rin sa Mindanao at Palawan

Intertropical convergence zone (ITCZ) pa rin ang weather system na nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, patuloy na magdadala mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang ITCZ sa Palawan at malaking bahagi ng Mindanao.

Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay patuloy na mararanasan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Group of Islands.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa nasabing mga katubigan.

Read more...