Naniniwala ang mahigit kalahati ng mga Pilipino na ang mga isda at seafood na ibinebenta sa mga palengke ngayon ay mas maliit, mas mahal at kakaunti kumpara noong nakalipas na dekada.
Sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 23 hanggang 27, nasa 54% ng mga Pinoy ang nagsabi na lumiit at kumaunti ang mga isda at seafood sa mga pamilihan.
Nasa 82% naman ang nagsabi na mas mahal na ang mga isda at seafood ngayon kumpara sa nakalipas na 10 taon.
Napuna rin ng SWS na patuloy na nababawasan ang huli ng mga Pilipinong mangingisda sa nakalipas na 4 taon batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula 2008 hanggang 2017.
Lumabas din sa survey na karamihan ng mga respondents o nasa 71% ang kumakain ng isda at seafood ng 5 beses sa 1 buwan.