20 government agencies tulung-tulong para sa APEC summit

apec
Inquirer file photo

Umaabot sa dalampung mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang ilang Local Government Units (LGUs) ang kasama sa inter-agency management team na titiyak na magiging maayos at payapa ang gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa bansa.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesman CSupt. Wilben Mayor na kasama ang kanilang hanay sa mga naatasan sa seguridad ng mga delegado at sa mga lugar na paggaganapan ng mga pagpupulong.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa halos ay tatlumpung mga pagpupulong ang kanilang naisagawa sa mga nakalipas na buwan para plantsahin ang preparasyon sa APEC summit.

Sinabi pa ng opisyal na hindi biro ang halos ay sampung libong mga delegado na dadagsa sa bansa mula November 16 hanggang sa matapos ang pulong sa November 20.

Iba-iba rin ang security requirements para sa 21 state leaders na mangunguna sa nasabing pagtitipon.

Aminado rin ang opisyal na may inihanda na rin silang mga plano kaugnay naman sa inaasahang mga kilos-protesta kasabay ng APEC summit.

Kabilang na dito ang pagdaragdag ng pwersa ng pulisya mula sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila.

Read more...