Nakahanda umanong umaksyon ang Department of Foreign Affairs para sa anumang tulong na maaring ipagkaloob ng gobyerno sa apat na pilipino na nahulihang nagpuslit ng mga iligal na droga sa Hong Kong.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Charles Jose, sumailalim na sa serye ng pagdinig ang mga pinoy at inaasikaso na ng konsulada ng pilipinas sa Hong Kong ang maaring ayuda na ibibigay sa apat na Overseas Filipino Workers (OFW).
Sinadya man o biktima ng ilang mga sindikato, sinabi ng opisyal na tungkulin ng pamahalaan na tulungan ang mga may problemang Pinoy sa labas ng bansa.
Hindi na pinangalanan ni Jose ang mga naturang mga Pinoy na nakumpiskahan ng dalawang kilo ng hinihinalang cocaine kamakailan.
Ipinaliwanag din ng DFA official na hindi nahaharap sa death penalty ang mga naaresto subalit mabigat ang parusang naghihintay para sa kasong drug trafficking.