4 arestado sa buy bust sa Quezon City

Contributed photo

Timbog ang apat katao matapos magsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay San Martin de Porres, Cubao Quezon City.

Nakilala ang mga nahuling drug suspek na sina Celso Carillo, 53 taong gulang at kalalaya lamang mula sa kulungan; Renato Corpin, 62 taong gulang na dati na ring naging bilanggo; Ramram Abordo, 29 taong gulang; at Joanna Abordo, 34 na taong gulang.

Narekober mula sa kanila ang 11 maliliit na plastic sachet ng shabu.

Mahaharap ang apat na mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...