Bette Middle kumpirmadong kasali sa 25th anniversary show ng Hocus Pocus

Walt Disney

Papalapit na ang Halloween at isa sa mga kadalasang pinapanood tuwing panahong ito ay ang 1993 classic movie na “Hocus Pocus.”

Makalipas ang 25 taon simula nang unang mapanood ang Sanderson sisters na pawang mga witches ay muli silang magsasama-sama sa isang anniversary show.

Kinumpirma ng Freeform na isang channel sa telebisyon sa Estados Unidos na mabubuo ang Sanderson sisters para sa kanilang two-hour special na pinamagatang “Hocus Pocus” 25th Anniversary Reunion Bash.

Ibig sabihin ay mapapanood sa isang palabas sina Bette Midler, Kathy Najimy, at Sarah Jessica Parker.

Bukod sa exclusive interview sa mga nagbigay buhay Sanderson sisters ay mapapanood din ang pagtatanghal ng ilang mga sikat na singer at Disney artists katulad nila Jordin Sparks, Dove Cameron, at Sofia Carson.

Sina Vanessa Hudgens at Jordan Fisher ang magsisilbing hosts ng programa.

Ginawa ang naturang palabas sa Hollywood Forever Cemetery at ipalalabas bukas, October 20, 2018.

Read more...