Mga kandidatong i-eendorso ng pangulo, magbebenepisyo sa popularidad nito — VP Robredo

Inamin ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap para sa mga kandidato ng oposisyon ang nakatakdang May 2019 elections.

Sa dinaluhan ni Robredo na open forum sa Washington D.C., natanong siya hinggil ang papapalit na halalan.

Ayon kay Robredo, si Pangulong Rodrigo Duterte ay “still very popular” at ang mga kandidato na i-eendorso ng punong ehekutibo ay magbebenepisyo sa popularidad nito.

Aniya pa, hindi na mahalaga ang political parties sa bansa, dahil naglilipatan din naman ang mga politiko tuwing election season.

Kaya ang popularidad pa rin umano ang “number one driver” para manalo sa eleksyon.

Sa kabila nito, umaasa si VP Leni na makakakuha pa rin ang opposition candidates ng pwesto, partikular sa Mataas na Kapulungan.

Sa halip aniya na 12, 8o ang napabilang sa kanilang senatorial slate na istratehiya raw nila sa oposisyon, bukod pa sa matitinong tao ang kanilang mga kandidato.

Read more...