Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental kaninang alas-2:15 ng madaling araw.
Sa inilabas na abiso ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa 53 kilometro, hilagang-silangan ng nabanggit na bayan at nasa bahagi ng dagat malapit dito.
May lalim ang pagyanig na 80 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Walang inaasahang idudulot na anumang pagkasira sa mga ari-arian, aftershocks, o tsunami ang naganap na lindol.
Ayon pa sa PHIVOLCS, wala silang naitalang intensity bunsod ng lindol.
Samantala, tumama naman ang isang magnitude 3.5 na lindol sa Caluya, Antique kaninang alas-2:10 ng madaling araw.
May naitala ito sa 11 kilometro, hilagang-silangan ng bayan at may lalim na 25 kilometro.