Partylist law ipinare-review sa Kamara

Dahil sa pagdami ng partylist group naniniwala si Akbayan Rep. Tom Villarin na kailangan na ng reporma ng partylist system sa bansa.

Ayon kay Villarin, ang kailangan ay sundin ang nakasaad sa Saligang Batas patungkol sa partylist kung saan ang nasaad ay dapat ang mga ito ay nasa marginalized sector at under represented.

Kung nasa sectoral partylist anya kailangan ang mga itong mayroong adbokasiya.

Naniniwala ito na ang paglalagay ng tatlong seats na cap ang naging dahilan ng pagdami ng mga partylist.

Nagkaroon kasi anya ng pagka-kanya kanya ang mga partylist upang makakuha ng maraming upuan sa kongreso kaya naglipana ang mga ito ngayon.

Para kay Villarin ang naging pasya ng Supreme Court na maaring maging kinatawan ng isang partylist ang may track record o adbokasiya.

Read more...