Naniniwala si Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde na planado ang pananambang ng mga rebelde sa grupo ni Food and Drugs Administration o FDA Director General Nela Puno na ikinasawi ng tatlong police escorts.
Bukod sa tatlong nasawi, may sugatan ding pulis sa ambush na naganap sa Barangay Napolidan, sa bayan ng Lupi, Camarines Sur.
Ani Albayalde, posibleng intensyunal o sinadya ang ambush dahil may pumutok pang IED.
Dagdag nito, maaaring may nag-leak sa pagbisita si Puno o movement sa lugar, lalong-lalo na’t may VIP.
Aminado naman si Albayalde na hindi pa niya matukoy kung si Puno ang pakay ng mga umatakeng rebelde.
Gayunman, sinabi ng PNP Chief na pwedeng ang mga pulis ang target ng mga rebelde para makakuha ng mga armas.
Buti na lamang din ay nakapag-retaliate o nakaganti ng putok ang mga sugatang pulis.
Magsasagawa aniya ang PNP ng malalimang imbestigasyon.