Sen. Nancy Binay, nag-leave bilang UNA president sa gitna ng sigalot sa pamilya

Naghain ng leave of absence bilang presidente ng United Nationalist Alliance (UNA) si Senator Nancy Binay.

Sa kaniyang statement sinabi ni Binay na habang naka-leave, magfo-focus muna siya sa kaniyang trabaho bilang senador.

Epektibo ang leave of absence ni Binay ngayong araw, Oct. 18.

“In light of recent developments within the party, I am taking a leave of absence effective today (Thursday) as President of the United Nationalist Alliance (UNA),” ayon sa pahayag.

Bagaman hindi binanggit sa kaniyang statement, hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang sigalot sa pagitan ng kaniyang mga kapatid na sina Mayor Abby Binay at dating Mayor Junjun Binay.

Ang dalawa ay kapwa tatakbong mayor sa Makati City.

Read more...