Ito ang naging tugon ng Malakanyang sa pag-apruba ng Land Transportation Franchising and Regultory Board sa pagtatas ng paasahe sa jeep at bus.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na babalik din sa dati ang pamasahe kapag kumalama na ang merkado.
Base sa pag-apruba ng LTFRB, magiging sampung piso na ang minimum na pasahe sa jeep at trese peso na ang minimum na pasahe sa bus.
Ayon kay Panelo, sa ngayon kinakailangan na kagatin na muna ang taas pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
MOST READ
LATEST STORIES