3 security escort na pulis ng FDA director, sugatan sa pananambang

CREDIT: PNP PRO5

UPDATE: Tatlong pulis ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan sa naganap na ambush sa National Highway, sakop ng Brgy. Napolidan, bayan ng Lupi, Camarines Sur.

Nakilala ang mga nasawi na sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza at PO1 Ralph Jason D. Vida.

Ginagamot naman sa Bicol Medical Center ang mga nasugatang pulis na sina PO1 Jonathan Perillo, PO1 Ruby Buena at PO1 Rodolfo F Gonzaga.

Sa inisyal na imbestigasyon sakay ng PNP Patrol Car ang mga ito na police escort ni Food and Drugs Administration Director General Nela Charade Puno nang tambangan ng nasa 20 rebelde.

Kaagad naman nakaresponde sa lugar ang mga tauhan ng 1st Camarines Sur PPSC at nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde dahilan upang tumakas ang mga suspek.

Patungo sana ang mga pulis sa Daet, Camarines Norte ng maganap ang ambush.

Read more...