Mga militanteng grupo inendorso ang tambalang Poe-Escudero

makabayan-bloc
Inquirer file photo

Pormal nang inendorso ng Makabayan bloc ang kandidatura nina Sen. Grace Poe at Chiz Escudero para sa 2016 national elections.

Sinabi ni Makabayan President Satur Ocampo na ang malinis na record sa pamamahala ang siyang pangunahing kunsiderasyon sa kanilang pagsuporta sa tambalang Poe-Escudero.

Ang makabayan bloc ay binubuo ng ibat-ibang mga samahan kabilang na ang Bayan Muna, Gabriela partylist group, Anakpawis, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Sulong Katribu, Kabataan partylist, at Piston.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ocampo na umaasa ang kanilang grupo na isusulong nina Poe at Escudero ang ilang reporma sa pamahalaan na nakatuon sa kapakanan ng mga ordinaryong Filipino.

Kabilang sa mga repormang ito ang dagdag na sahod para sa mga arawang manggagawa, dagdag na pension para sa SSS, pagpapatayo ng mga paaralan sa mga kanayunan, proteksyon sa human rights at pagpapakulong sa mga sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Inihihirit din ng grupo na muling buhayin ang peace talk sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front (NDF) ganun din sa Moro National Liberation Front (MNLF).

 

Read more...