Biyahe ng eroplano at linya ng telepono sa Sweden nadiskaril dahil sa solar storms

sweden
wikimedia

Nabalam ang ilang oras ang operasyon ng ilang mga paliparan sa bansang Sweden dahil sa tinatawag na solar storms.

Ang solar storms ay ang biglaang paglalabas ng higit na enerhiya ng araw na siyang nakaka-apekto  sa magnetic field ng mundo.

Sinabi ni Por Froberg, spokesman ng Civil Aviation Agency ng Sweden na dahil sa solar flare ay pansamantala munang hindi pinalipad ang mga eroplano sa nasabing bansa.

Naapektuhan ng nasabing solar phenomena ang air traffic control facilities ng mga paliparan ganun din ang linya ng mga telepono pati na rin ng internet.

Dahil sa solar storms ay naantala ang lipad ng ilang mga eroplano papasok at palabas ng Stockholm.

Wala namang naitalang solar storms sa mga kalapit na bansa ng Sweden tulad ng Finland at Denmark.

Read more...