9 sugatan sa gas explosion sa Maryland, USA

TWITTER PHOTO: WJZ

Siyam ang sugatan kabilang ang pitong bumbero sa gas explosion na naganap sa Baltimore sa Maryland USA.

Naganap ang pagsabog sa Belair-Edison/Parkside area.

Nagtamo ng 1st at 2nd degree burns ang mga nasugatang bumbero habang ang isa ay nasa malubhang kondisyon.

Ayon sa Baltimore Fire Department, iniulat sa kanila ang pagsabog sa Mannasota Manor Apartments.

Nagkaroon umano ng gas leak na nagresulta sa malakas na pagsabog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...