Mas mahabang balota asahan sa 2019 elections

Comelec Photo

Sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na malaki ang posibilidad na magkaroon ng mahabang balota sa darating na halalan dahil sa dami ng mga nagsumite ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) at certificates of nomination and acceptance (CONA).

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, 185 na mga partylist organizations ang nagbigay ng CONA.

Ngunit kung ikukumpara sa 2016 elections, mas mababa ito, dahil 213 ang pagpipiliian noong nakaraang halalan.

Paliwanag ni Guanzon, batay na rin sa kasaysayan ng halalan sa bansa, mas kaunti talaga ang bilang ng mga kandidato kapag mid-term elections.

Samantala, para naman sa pagkasenador kung saan 12 lamang ang mahahalal, may kabuuang 152 indibidwal ang naghain ng kanilang COC.

Pagtitiyak ni Guanzon, mababawasan pa ang pinal na bilang ng pagpipiliiang senador dahil tatanggalin nila ang mga tinatawag na nuisance candidates.

Read more...