MOA para sa sertipikasyon ng automated election services pirmado na

Lumagda na ang Comission on Elections (COMELEC) at isang international certification entity sa isang memorandum of agreement para matiyak na hindi mabubulilyaso ang automated elections.

Lumagda para kay COMELEC Chairman Sherif Abbas si Executive Director Jose Tolentino, Jr. at si Jack Cobb, presidente ng Pro V&V, Inc.

Ang moa ay para sa kontrata ng sertipikasyon ng automated election services (AES) na nakuha ng Pro V&V, Inc.

Sa ilalim ng Automated Election Law, dapat na tiyakin na ang automated election system, kabilang software at hardware nito. ay masertipikahan na gumagana nang tama at tumpak ng isang isang international certification entity.

Read more...