Ito’y makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang dalawang piso (P2.00) na permenant jeepney fare hike.
Epektibo ang pagtaas sa singil sa pasahe sa darating na Nobyembre at ipapatupad sa National Capital Region, Regions III at IV.
Ang naghain ng petisyon ay ang grupong FEJODAP, ACTO, LTOP, ALTODAP, at PASANG-MASDA.
Sa naturang desisyon, lumagda sina LTFRB chairman Martin Delgra at Board Member Engr. Ronaldo Corpus, habang nag-dissent naman ang isa pang board member na si Atty. Aileen Lizada.
Inatasan naman ang Technical Division na ihain na ang bagong fare matrix, na gagamitin ng PUJs.
MOST READ
LATEST STORIES