Boracay Henann, nameke ng compliance certificate – DENR

Isinapubliko na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang establisimyento sa Boracay na nameke ng compliance certificate.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ang Henann Group of Resorts ang naglabas ng pekeng compliance certificate.

Aniya, walang seal at order number nag compliance certificate ng Henann.

Kinumpirma ni Antiporda na magsasampa ng nararapat na kaso ang DENR laban sa Henann.

Pero paliwanag ni Dindo Salazar, ang manager ng Henann Resort sa Boracay, may ongoing investigation ang kanilang management ukol sa naturang isyu.

Giit nito, ang kanilang presidente na si Helen Lim ay hindi kailanman nagbigay ng otorisasyon kaninuman para magsumite ng unofficial o fake documents.

Ang Henann Group of Resorts ay mayroong anim na resorts sa isla ng Boracay.

Pero ni-isa sa mga ito ang hindi napabilang sa listahan ng approved accommodations ng Boracay Inter-Agency Task Force.

 

Read more...