Regine Velasquez, officially Kapamilya na

 

Photo credit: ABS-CBN PR

Opisyal nang Kapamilya si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Ngayong Miyerkules (October 17) ay pumirma ng kontrata si Regine sa ABS-CBN.

Emosyonal si Regine na sinalubong ng mga executive at mga empleyado ng Kapamilya network.

Nauna nang lumipat ang mister nito na si Ogie Alcasid sa Channel 2, at mula noon ay inabangan na rin ang paglipat ni Regine na Kapuso sa loob ng dalawang dekada.

Kabilang sa unang trabaho ni Regine bilang Kapamilya ay ang ASAP sa Sydney, Australia.

Nagtrending naman sa Twitter ang #SongbirdReturnsToABSCBN, #WelcomeHomeKapamilyaRegine, at Regine Velasquez.

 

Read more...