Sa kanyang COC filing ay kinumpirma ni Tolentino na naghain siya ng mosyon para suspindihin na ang election protest niya laban kay de Lima. Pero hindi raw ito nangangahulugang tinatanggap na niya ang pagkatalo.
Matatandaan na si de Lima ang idineklarang pang-labing dalawang nanalong senador noong 2016 elections, at tinalo nito si Tolentino.
Sa liham na inilabas ngayong araw, sinabi ni de Lima na walang tinatawag na “suspension or archiving” ng election protest.
Iginiit ni de Lima na dapat nang i-withdraw ni Tolentino ang lahat ng may kinalaman sa protesta nito, makaraang maghain ng COC.
Hamon ni de Lima kay Tolentino, magpaka-lalaki at amining walang nandaya sa kanya dahil talagang natalo siya noong halalan.
Dagdag ni de Lima, huwag daw siyang gamitin kung nagpapapansin lamang si Tolentino.