Baste Duterte naghain na ng COC; tatakbong vice mayor sa Davao City

PHOTO: PRESIDENTIAL PHOTOGRAPHERS DIVISION

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy para tumakbong vice mayor sa Davao City si Sebastian “Baste” Duterte.

Inihain ni Baste ang kaniyang COC ngayong huling araw ng COC filing.

Si Incumbent Mayor Sara Duterte-Carpio ay nakapaghain na ng COC noong nakaraang linggo para muling tumakbong mayor.

Habang si Paolo Duterte naman ay naghain ng COC para tumakbong kongresista.

Kapwa tatakbo sina Baste at Paolo sa ilalim ng regional party na Hugpong ng Pagbabago.

Read more...