Incumbent Mayor Erap Estrada naghain na ng COC

Photo from Mayor Estrada’s FB Page

Nagsumite na ng kaniyang certificate of candidacy si Incumbent Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito ay para gawing pormal ang pagtakbo niyang muli bilang mayor sa Maynila.

Kung muling mananalo ay ito na ang ikatlo at huling termino ni Mayor Erap sa lungsod.

Makakatunggali niya sina Alfredo Lim at Isko Moreno na kapwa naghain na rin ng COC.

Dalawang beses na tinalo ni Estrada si Lim sa Mayoralty post sa Maynila.

Read more...