Nagtungo sa Comelec ngayong huling araw ng COC filing si Enrile para magsumite ng panibagong COC.
Mula sa pagiging independent candidate sa unang COC na isinumite, sa bagong COC ay inilagay ni Enrile ang Pwersa ng Masang Pilipino bilang partido.
Sinagot naman ni Enrile ang mga kritisismo na kung kaya niyang makatakbong senador bakit hindi niya kinaya na manatiling bilanggo sa Camp Crame.
Ani Enrile, ipinauubaya na niya sa korte ang usapin sa pagbibigay sa kaniya ng pagkakataong makapagpiyansa.
Maliban dito, kung nanatili aniya siya sa Camp Crame malamang ay patay na siya ngayon.
Bago magtungo ng personal sa Comelec para sa COC filing sinabi ni Enrile na 120/60 ang kaniyang blood pressure at maayos ang kondisyon ng kaniyang kalusugan.