Ayon kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde, kasunod ito ng pagtutok at pagbabantay ng pulisya sa kasagsagan ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga opisina ng Commission on Elections.
Aabot ng dalawang police escorts ang posible i-assign sa kada pulitiko kung makakapagbigay ng kumpleto dokumento ang kandidato.
Sinabi naman ng opisyap na bibigyang-prayoridad ang mga pulitiko na may death threats o seryosong banta sa buhay.
Samantala, pinaalalahanan ni Albayalde ang mga pulitiko na hindi maaaring mapagbigyan ang lahat ng kanilang hiling dahil kinakailangan din ang mga opisyal para matiyak ang seguridad sa huling araw ng COC filing sa iba’t ibang Comelec offices.