Alfredo Lim naghain na rin ng COC; muling tatakbong mayor sa Maynila

FB Photo | Alfredo Lim

Tiyak nang magiging kapana-panabik ang eleksyon sa Maynila.

Ngayong huling araw ng filing ng certificate of candidacy nagsumite na ng kandidatura si dating Mayor Alfredo Lim.

Tatakbo muli si Lim bilang mayor sa Maynila at makakalaban niya sina dating Vice Mayor Isko Moreno at Incumbent Mayor Joseph Estrada.

Si Moreno ay nakapaghain na ng COC habang si Mayor erap ay ngayong last day din ng filing nagsumite ng COC.

Ilang termino din ang napanilbihan ni Lim bilang alkalde ng Maynila.

Noong 2013 at 2016 elections tumakbo siyang mayor pero natalo kay Estrada.

Read more...