Pinal na desisyon: Harry Roque, tatakbong senador

Inquirer Photo | Jovic Yee

Tatakbo bilang senador at hindi bilang Party-list representative si Harry Roque.

Naghain ng certificate of candidacy sa Comelec si Roque para tumakbong senador sa 2019 elections.

Tatakbong senador si Roque sa ilalim ng People’s Reform Party.

Taliwas ito sa anunsyo ni Roque noong huling press briefing niya sa Malakanyang kung saan sinabi nito na tatakbo siyang kinatawan ng Luntiang Pilipinas Party-list group.

Read more...