LOOK: Cancelled flights ngayong araw, Oct. 17, 2018

Ilang biyahe ng eroplano ang kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights ng CebGo na DG 6111 at 6112 Manila – Naga – Manila.

Nakasaad sa abiso na hindi maganda ang panahon na nararanasan sa Naga.

Dahil dito pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Read more...