Atty. Gigi Reyes pinayagang makalabas ng bilangguan para sa dental surgery

Gigi Reyes
Inquirer file photo

Pinagbigyan ng Sandiganbayan 3rd Division ang kahilingan ni Atty. Lucila “Gigi” Reyes na sumailalim sa dental surgery.

Base sa resolusyon ng anti-graft court pinayagan nito si Reyes na magtungo sa kanyang dentista na si Dr. Gary Brillo sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Bagaman walang petsa na itinakda, sinabi ng korte na kailangang maibalik din agad si Reyes sa kanyang piitan sa Camp Bagong Diwa sa parehong araw na dadalhin ito sa kanyang dentist.

Nakasaad din sa desisyon na ang petsa ng pagpunta ni Reyes sa klinina ay base sa availability ng kaniyang dentista.

Inatasan naman ng korte ang dentist ni Reyes na si Dr. Brillo at ang duktor sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – NCR na si Dr. Analiza Cabras na magsumite ng report sa limang araw matapos ang dental surgery.

Nauna nang hiniling ni Reyes sa Sandiganbayan na payagan siyang ipabunot ang upper right molar ng kanyang ngipin dahil sa matinding pananakit.

Matapos itong bunutin ay sasailalim naman si Reyes tooth implant.

Read more...