Ilang bahagi ng Quezon City, 13 oras mawawalan ng suplay ng tubig

water rationing 2Labingtatlong oras na mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi ang ilang bahagi ng Quezon City.

Sa abiso ng Manila Water, mula alas 7:00 ng gabi mamaya (November 5) hanggang alas 8:00 ng umaga bukas (November 6) ay maaapektuhan ng water service interruption ang mga sumusunod na lugar:

• Project 6
• Tandang Sora
• Bahay Toro
• Bahagi ng Culiat (Adelfa St., Congressional Extension, Vargas Compund, Ledesma Court)
• Bahagi ng Pasong Tamo (Tandang Sora Avenue mula Visayas Avenue hanggang Himlayan Road, FEA)

Ayon sa Manila Water, magsasagawa sila ng seismic retrofitting works sa kanilang pipe bridge sa bahagi ng Visayas Avenue sa Barangay Culiat, Quezon City.

Sa parehong abiso, walong oras naman ang naka-schedule na water service interruption sa bahagi ng San Juan City.

Magsisimula ang water interruption alas 10:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga bukas. Apektado ang sumusunod na lugar:

• Connecticut cor. Columbia
• EDSA cor. Annapolis

Ayon sa Manila Water magsasagawa ng line meter replacement sa lugar.

Hanggang anim na oras naman ang water service interruption sa ilang bahagi ng Marikina City.

Apektado ng water interruption mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw ang sumusunod na bahagi ng dalawang Barangay:

• Barangay Jesus dela Peña (Manhattan corner Paris Street at A. Flores kanto ng A. Bonifacio)
• Barangay Parang (Dahlia Street corner Bagong Silang)

Sa Taguig City, apektado ng water interruption sa loob ng anim na oras din ang Philippine Army Headquarters mula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 3:00 ng madaling araw.

Partikular na maaapektuhan ang Lawton Avenue kanto ng General Arellano dahil sa isasagawang line meter interconnection.

Walong oras naman ang water service interruption sa Binangonan Rizal dahil sa isasagawang leak repair.

Mawawalan ng suplay ng tubig mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ang mga sumusunod na lugar:

• Barangay Calumpang
• Bahagi ng Batingan
• Limbon Limbon
• Libis
• Libid
• Layunan
• Pila Pila
• Bilibiran
• Darangan
• Ithan

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga maaapektuhang residente na mag-imbak na ng tubig bago gumabi.

Read more...