COC ni dating Sen. Bong Revilla isinumite na sa Comelec

PDI Photo / Richard A. Reyes

Isinumite na ang certificate of candidacy ni dating Senador Bong Revilla.

Dahil nakakulong, si Bacoor City Mayor Lani Mercado kasama ang mga anak nilang sina Jolo at Bryan Revilla.

Ayon kay Mayor Lani Mercado buong pamilya nila ang mangangampanya para kay Revilla.

Anuman aniya ang maging hatol ng korte laban sa kaniyang mister ay buo ang suporta nila para dito.

Sa simula wala aniyang plano na sumabak sa senatorial race si Revilla pero lumalabas sa survey na pang-walo ito sa mga senatorial candidates.

Read more...