Hindi na tuloy ang pagtakbong senador ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Castriciones na mananatili na lamang siya sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Castriciones, naipaabot na niya ang kanyang desisyon kay Pangulong Duterte sa pamamagitan kay dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go.
Aminado si Castriciones na hindi biro ang tumakbong senador dahil kinakailangan ng malaking halaga sa aspetong pinansyal.
Una rito, mismong si Pangulong Duterte na kasama si Castriciones sa mga gabinete na magbibitiw sa puwesto dahil sa pagsabak sa 2019 elections.
Ayon kay Castriciones marami pang trabaho sa DAR ang kailangang atupagin gaya ng pamamahagi ng lupa sa mga indigenous people sa Boracay at iba pang mga magsasaka sa bansa.