Nasungkit ng Pasig River, sa pamamagitan ng the Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC ang kauna-unahang 2018 Asia RiverPrize ng International River Foundation o IRF.
Ang parangal ay isinagawa kasabay ng 21st International River Symposium na ginanap sa Sydney Australia noong Oct. 16, 2018.
Tinalo ng 27-kilometer Pasig River ang iba pang mga finalist katulad ng Yangtze River ng China na ni representa ng Asian Development Bank.
Nang i-anunsiyo ang panalo, sinabi ng IRF na napahanga ang mga hurado sa kapasidad ng Pasig River Rehabilitation Commission sa pagtugon sa polusyon ng Ilog Pasig.
“Critical to the success of the story was bringing the community, around 18,000 people, to decent housing and transforming these communities and their lives into environmentally responsible citizens,” sabi ng IRF.
Ang IRF ang siyang kumikilala at nagbibigay parangal sa mga organisasyon na may kakaiba at epektibong pagtugon sa problema sa mga River basin at maipanumbalik ang likas na taglay ng mga ilog.
Una nang ideneklara ng IRF na biologically dead ang Pasig River noong 1990s dahil sa tindi ng polusyon sanhi ng paglobo ng Populasyon at iindustrial development na nakapaligid sa riverbanks nito.
Gayunman, dahil sa pagsusumikap ng PRRC at mga kaagapay nito sa river restoration and management efforts ay epektibong naibalik ang buhay ng ilog Pasig.
Kabilang sa mga programang ipinatupad ng PRRC ay ang mga dekalidad na mga proyekto, mga aktibidad at adbokasiya para mabawi ang ilang bahagi nito na sinaklawan na ng mga informal settler, nagpatupad din sila ng waste and water quality management, at public awareness.
Mula 1999 hanggang 2017, aabot na sa 18,719 na mga pamilya ang nai-resettle ng PRRC na naninirahan sa kahabaan ng riverbanks patungo sa disenteng pabahay at binaklas ang 376 na mga pribadong pribadong istruktura.
Ang mga hakbang na ito ay nagresulta ng pag-unlad ng kalidad ng tubig at nagpaunlad sa Pasig River System ayon sa IRF.
Dahil sa naturang parangal, tumanggap ang Pasig River ng pagkilala sa iba’t-ibang panig ng mundo na magbubukas naman para sa mga bago nilang partners, magbibigay oportunidad para sa palitan ng kaalaman at best practices at magbubukas din ng panibagong pintuan para sa international support.
“One of the five critical criteria in the determination of the winner was leadership, which we attribute to the leadership of our beloved Pres. Rodrigo R. Duterte. It was PRRD’s leadership that united both the public and private sectors into this shared mission of protecting the Pasig River and improving the lives of the communities around it with strong political will,” Ayon Kay PRRC executive director Jose Antonio E. Goitia.