Ayon kay EPD Director, Chief Supt. Bernabe Balba, ito ay bahagi ng kooperasyon ng pulisya sa programa ng CGH na “Donate Blood to Save Lives.”
Isinagawa ang programa sa EPD headquarters sa Pasig City.
Aniya, hindi lang nakakapagsalba ng buhay ang mga pulis sa pagresponde sa mga krimen kundi maging ang pagbabahagi ng dugo.
Mahigit 200 na pulis ang sumailalim sa screening process ngunit pitumput dalawa lang ang nakapasa para makapagbigay ng dugo.
Kasunod nito, hinikayat ni Balba ang mga pulis na ipagpatuloy ang pagbibigay ng dugo sa Philippine Red Cross o iba pang ospital.
Sinabi pa ng opisyal na maituturing ding bayani ang sinumang nag-aalay ng dugo para makatulong sa pagsagip ng buhay.