Death toll sa Hurricane Michael nadaragdagan pa

AP Photo

Umabot na sa 29 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Hurricane Michael sa Florida.

Sa bilang ng mga nasawi, 20 ay mula sa Florida Panhandle, 5 sa Virginia, 3 sa North Carolina at 1 sa Georgia.

Sa datos ng mga otoridad, mayroon pang 1,135 na katao ang hinahanap.

Unti-unti naman nang naibabalik sa normal ang serbisyo ng telepono kaya ang iba pang nawawala ay natawagan na ng kanilang kaanak.

Habang mayroon pang 200,000 mga residente ang wala pa ring kuryente.

 

Read more...