Pulis-Maynila kritikal matapos mag-collapse habang pinarurusahan ng opisyal

Kritikal ang isang pulis Maynila makaraang parusahan ng isang police official

Ginagamot ngayon sa ICU ng Manila Medical Center si SPO3 Mario Asilo na nakatalaga sa Manila Police District Homicide Division.

Ayon kay Chief Supt. Rolando Anduyan, hepe ng MPD, dumaan si Asilo sa gitna ng dalawang nag-uusap na police officers.

Maaring nabastusan umano ang opisyal kaya pinarusahan ito ng squat thrust.

Pero nag-collapse si Asilo habang ginagawa ang parusa.

Nabatid naman na sumailalim na sa angioplasty ni Asilo dahil sa bara sa kaniyang puso.

Read more...