PUBLIC SERVICE: Bahagi ng Taguig at Makati mawawala ng suplay ng tubig

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang bahagi ng Taguig at Makati City.

Ayon sa abiso ng Manila Water, alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ang schedule ng water interruption.

Sa Taguig, apektado ang mga barangay Calzada at Sta. Ana.

Habang sa Makati naman, apektado ang mga barangay North Forbes, South Forbes, Dasmarinas Village, Pinagkaisahan at Guadalupe Nuevo.

Read more...