Visayas, Mindanao at Palawan apektado pa rin ng ITCZ

Maulap na kalangitan may kalat-kalat na pag ulan at pagkulog at pagkilat ang mararanasan pa rin ngayong araw sa
Palawan, Visayas at sa Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa, mainit at maalinsangan ang panahon at makakaranas lamang ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Paalala ng PAGASA, ang localized thunderstorms ay maari pa ring magudlot ng malakas na pag-ulan na may kaakibat na malakas na hangin.

Wala namang anumang sama ng panahon na papalapit sa bansa.

 

Read more...