Carasi, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Carasi sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 2 kilometers north east ng Carasi, alas 4:02 ng madaling araw ng Miyerkules, Oct. 17.

May lalim na 19 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity II Bacarra, Ilocos Norte at Intensity I sa Sinait, Ilocos Sur.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.

Read more...