Si Vice President Leni Robredo ang humimok kay dating Interior Secretary at dating Senador Mar Roxas na kumandidato bilang Senador sa 2019 elections dahil puro pamilyar na pangalan ang nasa senatorial lineup ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Robredo, reponsibilidad niya na magkaroon ng senatorial slate na titiyak sa pagbuti ng bansa.
Pinuna ng ikalawang pangulo ang pag-endorso ng administrasyon sa mga Marcos.
Aminado si Robredo na nadismaya sila sa Liberal Party sa planong lineup ng administrasyon para sa senatorial race sa susunod na taon.
Ayon kay Robredo, hindi agad tinanggap ni Roxas ang ideya dahil wala na raw itong balak na muling tumakbo sa halalan.
Nahiya rin umano ang Bise Presidente na kumbinsihin si Roxas dahil alam nitong maayos na ang buhay ng dating kalihim at mambabatas sa ngayon.
Pero sinabi ni Robredo na marami ang may gusto na bumalik si Roxas, 3 taon matapos itong matalo sa 2016 presidential elections.
Sa pagbabalik ni Robredo mula sa Canada ay iaanunsyo ng LP ang kanilang mga kandidato sa October 24.