$3M halaga ng methamphetamine narekober sa Vietnam

AFP

Nadiskubre ng mga otoridad ng Vietnam ang daan-daang kilo ng methamphetamine o shabu matapos harangin ang isang truck sa Danang City.

Ayon sa pulisya, nasamsam nila ang 12 bag na naglalaman maliliit na pakete ng hinihinalang shabu. Tinatayang may bigat ito na 309 kilo at may street value na nasa USD3 milyon.

Nakatakas mula sa pinangyarihan ng insidente ang isa sa mga suspek na nabatid ay isang Vietnamese national. Habang ang kanyang kasamahang Laotian ay naaresto.

Ayon dito, pinangakuan siyang makatatanggap ng USD10,000 kung madadala niya ang mga iligal na droga sa Danang City, na kilalang tourist destination sa Vietnam.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang nakatakas na suspek.

Bagaman mahigpit ang paglaban ng pamahalaan ng Vietnam sa iligal na droga ay nananatili itong transport hub at bagsakan ng mga ipinupuslit na droga mula sa tinaguriang “Golden Triangle” na isang lawless border zone sa Laos, Myanmar, at Thailand.

Read more...