35,000 katao apektado ng Mt. Bulusan

mt-bulusan
Inquirer.net file photo

Aabot na sa 35,000 katao ang naapektuhan dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa mga Barangay ng Bacolod, Buraburan, Mapili at Putting Sapa sa Juban ang abo na ibinubuga ng bulkang Bulusan.

Matatandaang dalawang steam driven explosions na ang naitala sa Bulusan nitong mga nakalipas na araw.

Bukod sa steam-driven explosions, ilang volcanic activity na rin ang naitala sa bulkan.

Pinaalalahanan pa ng NDRRMC ang publiko na bawal pumasok sa four-kilometer permanent danger zone.

Sa panig naman ng Department of Education (Deped), nagsasagawa na sila ng on-site monitoring sa pre-identified hazard areas kabilang na sa mga lugar ng Inalagadian, Casiguran at Juban.

Sinisiguro ng Deped na makuha ang mga vital records at learning materials sa mga eskwelahan na malapit sa bulkan.

Nagpalabas naman ng Notices to Airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sarado ang Bacon at Bulan airports ay nanatiling sarado simula noong Mayo 7 hanggang Agosto 7.

Samantala, nakapagtala ng tatlong Volcanic Earthquake Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 – oras.

Ayon sa Phivolcs, 41 earthquake din ang naitala sa Bulusan dahil sa paggalaw ng local faults.

Sinabi ng Phivolcs, na nanatili ang alert Level 1 sa bulkang Bulusan, ibig sabihin bawal pa ring pumasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ). / Chona Yu

Read more...