Sa anunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang website, sinabi nito na napipinto na ang ‘rainy season’ sa ilalim ng type 1 climate.
Ito ay batay umano sa umiiral na weather condition sa buong bansa na ‘warm and humid’ o may pag-ulan, pag-kulog at pagkidlat sa hapon at gabi.
Sa rainy season type 1 climate, masasakop ang Western part ng Luzon at Visayas.
Samantala, para sa overall outlook ngayong araw ng Linggo, ika-21 sa buwan ng Hunyo, sinabi ng Pagasa na makararanas ang Metro Manila, Central Luzon, Calabrzon, Bicol Region, Mimaropa, Visayas at Mindanao ng maulap na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Una ng sinabi ng Pagasa na naka-apekto ang El Nino sa matagal na pagpasok ng tag-ulan sa bansa. / Isa Avendaᾑo-Umali