Citizen’s arrest iminungkahi sa mga nagkakalat sa Boracay

Inquirer file photo

Inamin ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na dismayado siya sa mga larawan na lumibas sa social media na nagpapakita ng kalat sa isla ng Boracay ilang oras makaraan itong buksan para sa dry run.

Ito ay makaraang makita ang mga litrato na nagkalat ang mga styro cups at iba pang mga basura sa beach front ng Boracay.

Sinabi ng kalihim na nakakapanghinayang dahil anim na buwang isinara ang isla pero tila walang natutunan ang ilan sa ating mga kababayan na kasama sa dry run.

Kaugnay nito ay sinabi ni Puyat na magdaragdag sila ng mga environmental police para higit na maipatupad ang anti-littering campaign sa kabuuan ng isla.

Ikinukunsidera na rin ang pagpapatupad ng citizen arrest sa mga nagkakalat sa Boracay.

Mahigpit rin nilang ipatutupad ang palilimita sa mga taong pupunta sa Boracay at tanging ang mga may booking lamang sa mga accredited establishments ang papapasukin doon.

Sa October 26 ay nakatakdang buksan sa publiko ang Boracay makaraan itong sumailalim sa anim na buwang rehabilistasyon.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na rin ng DOT na ipatupad ang kahalintulad na rehabilistasyon sa iba pang mga tourist destanation sa bansa.

Read more...