Nanindigan ang Malacañang na walang ibinigay na special treatment ang Commission on Elections (Comelec) nang maghain kahapon ng certificate of candidacy sa pagkasenador si dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaring nagulat lamang ang Comelec sa dami ng mga taga-suporta ni Go na nagpunta sa kanilang tanggapan kahapon.
Sa polisiya ng Comelec, apat lamang ang dapat na kasama ng isang kandidato sa paghahain ng COC.
Pero kahapon, kasama ni Go sa Comelec sina Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea, Communications Sec. Martin Andanar, dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at iba pang mga taga suporta.
Sinabi pa ni Panelo na hindi rin inakala ng Comelec na darating ang pangulo kung kaya lalong dumami dahil sa security personnel.
Nanindigan pa si Panelo na sumunod si Go sa protocol ng Comelec ang pagkakaroon ng apat na kasama lamang. quote
“Yung mga iba, sumunod na lang bigla. I was not surprised. Sabi ko nga, we have a rockstar president. Wherever he goes, pinagkakaguluhan siya. Hindi mo ma-control ang tao, kahit yung mga PSG nasasagi,” dagdag pa ni Panelo.