Enrile naghain na ng kandidatura sa Comelec bilang senador

Inquirer file photo

Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy para sa kanyang pagbabalik sa Senado si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Pero hindi tulad ng ibang nagsumite ng kanilang COC, si Enrile ay nagpadala ng kanyang kinatawan sa katauhan ni Atty. Joseph Sagandoy.

Nauna nang sinabi ni Enrile na hindi naman kinakailangang pumunta siya sa tanggapan ng Commission on Elections para magsumite ng kanyang COC.

Sinabi rin ng 95-anyos na si Enrile na hindi dapat gawing isyu ang kanyang edad kundi ang kanyang kakayahan na gampanan ang mga tungkulin bilang isang mambabatas.

“I’m 95 (years old) but you know, you don’t need a wrestler in the Senate. You need somebody who understands the problems and the solutions (of the country),” pahayag ni Enrile.

“I don’t think there’s any limitation on the age. It’s just a question kaya mo ba ang magtrabaho dun,”ayon pa sa dating mambabatas.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Enrile na gagamit siya ng social media sa pangangampanya para hindi na siya mahirapan sa pag-iikot lalo na sa mga malalayong lalawigan.

Kapag nanalo sa eleksyon ay bababa sa pwesto si Enrile makalipas ang anim na taon sa edad na 101 taong gulang.

Read more...